CLICK HERE FOR FREE BLOGGER TEMPLATES, LINK BUTTONS AND MORE! »

Monday, August 27, 2012

Sec. Jesse, mabuting Pilipino.


Nanood kami ng pinsan ko ng Modern Dance Competition sa school ng narecieve namin yung text na nag crash daw ang plane ni Sec. Jesse. Hindi ako naniniwala at first pero noong tinawagan na ako ng isang news group, doon na nagimbal ang mundo ko. Ang bilis ng mga pangyayari, nakita ko ang aking sarili na nasa bahay na nila sa Dayangdang, hanggang ngayon, nagsasalita sainyong unahan.

Di ko matapos-tapos ang speech na ito, sinimulan ko noong nasa biyahe ako papuntang Manila, habang nasa Ateneo, habang papunta ng Malacanan, habang pauwi ng Naga. Actually po, hindi ko alam kung paano sisimulan at tatapusin. Sabi nga ni VM Bordado sa kanyang facebook status (okay na po siguro ito para hindi ako masabing nag plagiarize), kulang siguro ang 5 mins para mapasalamatan si Sec. Jesse.


Sabi daw saakin, gawin ko daw na light ang i-sshare ko. I-ttry ko po.

      Hindi siya EPAL.

Hindi katulad noon na puro matatandang pulitiko lang ang makikita natin o mga epal na tao na namimigay ng bigas, bag, tsinelas at ano pa. Pinatunayan ni Sec. Jesse na ang pagtulong sa kapwa ay di dapat ilagay sa tarpaulin, tsinelas o plastic ng bigas. Hindi lamang hanggang tarpaulin ang pamumuno ni Sec. Jesse. Makikita natin siyang kinakalkal ang drainage kapag baha, nagbubuhat ng timba kapag may sunog.


COOL ang pagiging leader.


Sino ba naman ang kabataang maeenganyo na magtrabaho sa bayan kung ang snack ninyo ay palagi na lang maruya (baduya) o maliit na siopao? Ang tipid naman ni Sir, palaging comment namin, pero hindi ito nagging sagabal para ipagpatuloy naming ang pagsisilbi sa Naga. Uuwi man kaming gutom, palagi naman siyang may pabaon. Ngiti na napaka sweet at isang nakakataba sa pusong Thank you! Oks na oks na yon.

   Ibang klase siyang magtaya at mag-aruga. Extraordinaryo niyang minahal ang Naga at Pilipinas. Ang bongga ng buhay kasi nakasama natin si Sec. Jesse.


Panalangin ko nga, sana maging katulad din ako ni Sec. Jesse. Alam ko magiging mahirap yun, una, kasi mahirap ng makahanap ng isang Atty. Leni at pangalawa mukhang malabo pa na magkaroon ako ng legal na asawa (kasi hindi pa pwede sa batas). Seryoso, noon, pinagarap kong maging mabuting Pilipino, ngayon lang mas nagging concrete ang aking pangarap, ang gusto ko ay maging isang Jesse Robredo. Sana dumating ang araw na mayayakap ko ng buong buo ang tsinelas leadership, matagal na rin na panahon ang ginugol ko sa iba’t ibangkumunidad pero hindi nito matutumbasan ang ginawa ni Sec. Jesse. Kilala niya ang pinaka simpleng tao sa Naga, tinuturing niya itong kapantay ng lahat – hindi mababa kasi isa lang siyang fruit vendor sa plaza. Alam niya na lahat ng tao ay may pantay-pantay na karapatan.


Habang nasa labas nga ako, tinanong ko ang aking sarili, kalian kaya mangyayari na kahit isang dignitary o mayaman sa Pilipinas, pulitiko at may kaya ay matututong maghintay, pumila ng matagal kasabay ng mga ordinaryong tao. At saaking sarili, sinabi ko, malayo pa rin talaga ang ibang pulitiko kay Sec. Jesse. Siguro, kung hindi lang si Jesse ang andiyan sa kabaong, makikita natin siyang nakapila at naghihintay sa likod. Ganoon niya kami pinalaki ditto sa Naga, wala sa rangya ng pusisyon o titulo – alam niya ang bawat pintig ng puso ng mga mamayan, kaya siya nirerespeto at naiintindihan ng mga tao.            

        
                                    
Atty. Leni, ibang klase ang pinakita ninyong katatagan at katibayan ng loob. Alam ko pong kinukulit kayo ng marami na tumakbo o pumasok sa pulitika, pero kung ano man ang maging desisyon mo, tandaan mo po na suportado ka naming. Naging mabuti kang halimbawa ng katatagan, kababang loob at walang hanggang pagmamahal.


Aika, Tricia and Jilian. Thank you very much for being so generous. Shinare ninyo si Sec. Jess saaming lahat. Ang swerte ninyo kasi ama ninyo si Sec. Jesse. Marami sa mga kabataan ngayon ang pinangarap na maging tatay nila si Sec. Jesse, hindi lang dahil sa pogi si Sec, dahil siya ay tatay na alam kung paano magpahalaga sa pamilya, hindi siya nagsawa sa paggabay at hindi nauubos ang kanyang pagmamahal.


Alam ng marami na nagging tatay saamin si Sec. Jesse. Sabi ko nga, Sec. Jesse is among the few who believed that we can do positive changes for our country. Naniwala siya sa mga kabataan, nagtiwala siya ng buong buo saamin. Napakaraming pulitiko na ang naka trabaho ko, pero konti lang sila na naniwala ng buong-buo, hindi nagpapababa sakanya ang mag text sa isang ordinaryong tao, hindi rin siya napapagod mag reply saamin, at kung nakukulitan na siya, tatawag na lang yan at mageexplain. Kahit nagsawa na ako sa maruya at maliit na siopao na palagi niyang pinapabili kapag may meeting, okay lang, naiintindihan naming yun kasi simple rin siyang tao.         
   

Naniniwala akong hindi nasayang ang buhay ni Sec. Jesse sa mundo. Palaging sinasabi ng mga tao, bakit yung mabubuting tao ang nauuna, dapat yung mga walang kwenta, trapo at epal. Sana si toot na lang daw ang nauna. How I wish ganito ang buhay no? Ang pagkawala ni Sec. Jesse ay magiging hamon sa lahat sa atin na maging mabubuting tao rin. Napaka unfair naman siguro para kay Sec. Jesse kung sakanya lang iaasa ang pangarap ng Pinas na yakapin ng buo ang good governance. Lahat tayo, may responsibilidad saating bansa. Kung nasaan man tayo ngayon, kung ano man tayo. Presidente, Cabinet Member, Executive Assistant, Chief Justice, Fishball Vendor, Youth Leader, Pari, Madre, Janitor, Principal o Estudyante – kailangan nating magsipag at kailangan nating ibigay ang best natin. Tandaan: hindi rin po natin kailangan ng confirmation para mas maging mabuting tao. Sapat na po ang pagiging Pilipino natin para maging mabuting kawani ng gobyerno, anak, asawa, kapatid at kaibigan.         

     Kung isasamarize ko ang lahat = Si Sec. Jesse ay nagging mabuting Pilipino.      
                                                                         
             
                                       
Sec. Jesse – dahil po sainyo may mga kabataan na nangagrap na baguhin ang mundo, may mga kabataan na baliw na baliw na iahon ang Pilipinas sa kahirapan, may mga kabataan na naniniwala na may pag-asa ang Pilipinas. Salamat po sa lahat, ipagpapatuloy po namin ang laban na nasimulan. Mahal na mahal na mahal na mahal ka po naming, Sec.       
Pahingalo ka na po ta kami naman, Sec! Dios mabalos! 


Basilica Minore of Our Lady of Penafrancia
August 27, 2012

Photos: Different supporters, friends, relatives of Sec. Jesse. Salamat po! 

Thursday, August 16, 2012

Struggles of a "Gay" Missionary.

Hi friends, been writing my thesis for the past months and geeeee, it ain't easy. Together with this academic stressor, it's a public knowledge that I've been trying my best to be a good citizen of this country by engaging my self to different volunteer works. I know that I don't need to prove my worth to all of you. Despite my gender preference, you (true friends) still loved and accepted me wholeheartedly. I just want to vent out that this me "trying-to-be-a-good-model/inspiration/Filipino-nation-builder" is kinda hard. When I embraced this work, I know that I'll be challenged physically, mentally, psychologically and emotionally - I'm always ready and prepared. What makes this work harder is my gender. The challenges that I've mentioned above are nothing to prejudice, stereotypes, discrimination and abuse. Yah. I just want to let you know that I'm having a hard time proving my self to people (politicians, elders, leaders, Filipinos) but rest assured that I ain't quitting. To know that you love me is more than enough. Thank you. ♥


Been watching this very empowering movie. Please, I'm asking 1.5 hours of your valuable time. Maybe after the movie, you'll understand and feel how hard it is become a "gay missionary".

Sunday, August 5, 2012

Pro-LIFE. Pro Reproductive Health Bill


Ateneans all over the country, unite! 
Here's Ateneans for RH joint petition to pass the RH Bill.
Click the photo, sign the petition and share.  
 
August 7, 2012, our legislators will put an end to all our debate. 
It's a personal struggle to really forward the RH Bill. To see the church and the people clash brings pain to my soul. In my personal discernment, I believe my stand is not immoral nor sinful. I've felt the same struggle when a priest told me that I'm not loved by God because of my gender identity and orientation - at the end of the day, I realized that the priest is damn so wrong. 
Today, I'll once again oppose the church's stand. I'll fight for the immediate passage of the Reproductive Health Bill. Laban ko 'to, hindi para saakin kundi para sa mga Nanay at mga batang Pilipino na may karapatang mamili at mabuhay ng marangal, wala sa dikta ng mga namumuno ng simbahan kundi sa konsensyang yakap ang taimtim na pananampalataya.
 
Video from BBC.