CLICK HERE FOR FREE BLOGGER TEMPLATES, LINK BUTTONS AND MORE! »

Sunday, April 17, 2011

tara UWI na tayo.

Bright stars
Fill the evening sky
As I sit and wonder what I’m missing
I feel so all alone
In a crowded room
There’s something that my heart’s been searching


Coz when the shadows come
There’s nowhere to go
And my ONE last hope
God only knows
In Him I’ll find what I’ve been searching
Now I’m on my way
Back to a place where I can hear His voice
And see His face


As I’m on my way, I see Him running
Before I take my second step
He sees me coming back
And He comes running to me
And He comes running
Takes me in His arms
Closer to His heart
Saying He’ll be loving me
Coz He’s never stopped loving me

I don’t know why
Why did I ever DOUBT You
Thought I could live without You with me
All my fears disappear
Right before my eyes
Just to know Your LOVE is with me


Coz when the shadows fall
Have nowhere to go
And my one last hope
God only knows
In Him I’ll find what I’ve been searching
Right now I’m on my way
Back to a place where I can hear His voice
And see His face

And as I’m on my way, I see Him RUNNING
Before I take my second step
He sees me coming back
And He comes running to me
And He comes running
And He takes me in His arms
Closer to His heart
Saying He’ll be loving me
Coz He’s never stopped loving me


So I stop and say
Forgive me lord
For walking out that door
But before I could say anything more
He says hush
I’m just glad to know that you’ve come HOME



Back in my arms
Where you’re safe from harm
I’m just glad to know you’re home
Where I made you to be
Right here with me


Lord I’m glad to be home

Shadows come, have nowhere to go
[back in Your arms]
My one last hope, God only knows
[where I'm safe from harm]
In Him I’ll find what I’ve been searching
[I'm so glad to know I'm home]
Right now I’m on my way
Back to a place where I can hear His voice
[where I was made to be]
And see His face
[having You with me]
As I’m on my way
He sees me coming
Home.


Home - Gary Valenciano.

My Lenten Prayer



Papa
Thank you for being my father. Thank you for the love, respect and acceptance. We may have the roughest journey but always keep in mind and heart that you're and will be forever part of our HOME.

Mama
Keep the faith - you're never alone, I'm here. Even at the expense of your own wellness - you'd persevere to give us our basic needs. That's why I'm very excited to graduate and to get a job - this will give me the opportunity to give you the best this world has to offer for a very hard working Mom.

Tetent, Joma and Kimmy
I know what happened triggered a lot of questions. But please keep in mind and heart that you are loved and nothing will change that.

God
Thanks for entrusting this problem to me and my family. We are thankful because little by little we are moving forward. It was a very difficult challenge, God. The tears may be painful but it was worth it! One request, God. Quoting a friend:
"Ibuhos mo ng lahat - Wag mo lang akong iwan."


Manoy Jess,

Hindi man ako biniyayaan ng isang kumpletong pamilya. Hindi man ako biniyayaan ng isang magandang bahay at magarang pamumuhay. Hindi man ako binigyan ng karapatan na pumili kung ano ang magiging pananaw saakin ng lipunan dahil saaking kasarian.

Lahat ng ito ay bale-wala dahil alam kong ako'y minamahal mo ng lubusan katulad ng pagmamahal ko sa'yo (siguro mahigit pa nga). Lahat ng ito ay hindi iniinda dahil alam kong pag-uwi ko ng bahay, wala man akong Tatay, sa Iyong pag-gabay ako'y hind i uhaw.

Salamat sa walang sawang pagbibigay ng mga problema.

Hindi ako magtatampo. Hindi rin ako magrereklamo.

Kasi alam kon
g sa mga oras na ito, Ako'y yakap mo. Alam kong sa mga oras na ito'y, akay-akay mo ako.

Alam kong sa mga oras na ito, dama mo ang hapdi at kirot sa
puso ko.

Medyo mahapdi pa, pero alam kong darating ang araw na lahat ng ito'y maghihilom.

Saturday, April 16, 2011

KAMAY



Nagsimula tayo ng ganito...




Kahantungan kaya natin ito?

feel to FLY

Had fun watching Rio with Girlfriend and Tugang. Opps. Almost forgot, finally got the opportunity to bond with my future sister-in-law - haha. at KFC! Dinner - Now, waiting for Kuya JV, will meet the GoToGo friends. Whew. Akalain mong, isang taon na din pala yun. Sleepless and Gimickless summer.

The night is still young...

TSINELAS



Dumating na rin ang araw -
na kung saan pareho tayo ay nagbibilang,
ng mga umiiksing mga oras ng pagtanaw,
sa mga pusong may gustong ihiyaw.

Magkita pa kaya ulit tayo?

Magkaroon pa kaya ng pagkakataon na ang mga paa'y lumakad ng magkasama.

Ihintulot pa kaya ng tadhana na ang mga TSINELAS ay maging-isa?

BAHAGHARI


Ang berdeng kapaligiran naming, sa akin ay nagmulat, nagbigay ng buhay. Kinalakihan at nagdulot ng masasayang alala. Nangakong ito ay aking pagyayamanin pagdating ng panahon. Pangakong nasira dahil sa isang pangarap. Ang hirap at pagod, dugo't pawis na nadilig sa bawat pananim. Ito ang hindi natikman ng aking katawan. Ngayon ko nararamdaman ang epekto ng hindi pagsunod sa bilin ng aking mga magulang.

Tumingin ako sa langit, oh kay sarap tingnan, madarama ang kapayapaan na kabaligtaran ng aking pakiramdam ngayon. Ang manakanakang ulap at matingkad na asul sa kalawakan na tila ba kumakaway sa akin, nagyayabang, nanunumbat... Kelan man, tumanggi ako sa paanyaya ng kulay nyang asul na kalangitan, pag aanyaya para sa kapayapaan ng isipan. Katulad sana niya ako ngayon, maaliwalas, nagsasabi ng isang magandang maghapon.

Matindi ang sikat ng araw at nakakapaso ng balat sa umaga hanggang hapon. Pag sapit ng takip silim, ang pagsilip naman ng buwan na unti unting nagbibigay ng liwanag sa aking kapaligiran. Naglipana ang mumunting bituin, ano pa't nagsisilbing palatandaan ng magandang araw para sa kinabukasan. Hindi ko alam kung naging ganito ako noon, ang bawat gabi sa akin ay nagdudulot ng isang pag-ulan. Pag ulan na siyang nagdudulot naman ng luha sa mata ng mga taong sa akin ay hindi nagkukulang.

Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin o ako ay nagbingibingihan, kalusugan ay pangalagaan. Kasabay ng kalusugan ng pangangatawan ay ang kalusugan ng puso at isipan. Sarado ako sa mga bitaminang dapat ay mayroon sa akin. Nakabukas lamang sa puting usok na kumikitil sa aking isipan at damdamin. Paglipad ang nararamdaman sa kawalan. Hanggang sa maputol ang pakpak at ngayo'y bumabagsak sa karimlan.

Dugong nananalaytay pa sa kin. Buhay at ngayo'y gumigising. Ipinapasyal ako sa harding wala ni isang bulaklak, tuyot ang dahon na tinatangay ng hangin. Patuloy pa din ang pagdaloy ng dugo sa aking katawan. Ang kulay na sumisimbolo sa katapangan. Katapangan para sa iba at hindi sa akin. Ang pagdaloy nito sa aking mga ugat ay sumisimbolo na aking karuwagan na noo'y syang nangibabaw sa akin.

Dugong maharlika, ang sinasabing dugong nananalaytay sa isang makapangyarihan. Maraming taon ang lumipas na iyan ay aking pinangarap. Pangarap na nagsimulang buuin ng dahil sa aming kahirapan. Ang dugong kailanmay hindi maaring manalaytay sa akin. Dahil hindi makatotohanan ang kulay ng dugong iyan. Pagtapak sa damdamin ng aking magulang at pasakit para sa kanila ang aking naging daan sa pagtahak ng daan tungo sa pangarap na iyan.

Malapit na ang takip silim, aking nararamdaman. Ang sandaling malungkot na liwanag ng buwan na unti unting kinakain ng ulap ang aking nakikita. Sa mga sandaling ito, ang aking pagiisip sa nakaraan, ang sandali ng pagsisisi, ang sandali ng aking buhay sa pagtanggap ng parusa at pagsusumamo upang makamtan ang kapatawaran. Ang sadaling ito ang aking hinihintay. Ang unti unting pagdilim ng aking paningin.

Ang bahaghari ng buhay. Ang mga kulay ng bahagharing hinyaan kong pangibabawan ng puting usok na aking kinahumalingan. Puting usok na ang akala ko'y sya ko lang kailanangan, ito rin ang sumira ng aking pagkatao. And dahilan ng pagiyak ng aking mga mahal sa buhay.

Akin lang kahilingan bago ako pumanaw, bumuhos sana ang ulan, umaasang sa pagtila nito'y lumabas ang bahaghari na noo'y hindi ko nasilayan.

Isinulat ni: Alvin Bayas, blogger at may ari ng ISTAMBAY.