CLICK HERE FOR FREE BLOGGER TEMPLATES, LINK BUTTONS AND MORE! »
Showing posts with label panalangin. Show all posts
Showing posts with label panalangin. Show all posts

Wednesday, June 5, 2013

Nababagabag. Natatakot.


Panginoon, kung saan man, ano man, at sino man. Hangad ko ang iyong pag-gabay. Bukas na bukas na ang puso at ang isip para magpatuloy. Pasensya ka, nababagabag, nanghihina pa rin ang loob, nagtataka pa rin kung handa na nga bang magtaya. Syemps, alam mo naman kung paano tayo magmahal: buhos, ubos at lubos.


Tanong ko pa rin kung handa na nga ba ako ulit na sumubok at magmahal. Panginoon, dalawang taon na rin yun. Naka move on na ang lahat ng tao, marami na ring nangyari, at nagparamdam (hahaha, taas bangko), at sa palagay ko, ready na rin naman ang puso. At...naghilom na rin ang sugat, wala na ring band aid para ikubli ang mga ito. Peklat na lang, pero masayang peklat naman. 
Ngunit alam kong sa huli ng lahat ng ito ay isang malaking biyaya. Patuloy kong yayakapin ang mga pagdududa, pighati at paghihirap na nararamdaman sa gitna ng mga maliligayang sandaling kapiling siya. Ang gulo ko, Panginoon, syet. Sorry. Haha. Hirap, napaka-hirap maging solid sa mga panahong 'to. Btw, salamat sa lahat lahat. Nakakatuwa ang mga surpresa kapag nagmamahal! Ikaw na! 




Monday, May 28, 2012

Babangon ang Siruma, Babangon ang Pilipinas

Isang nakakabinging panawagan ang pumukaw saaming lahat. Dala-dala ang malalaking bag, pusong busog sa pagmamahal, sariling handang magtaya ng kahit na ano para sa iba at isang boteng tubig, kami ay tumungo sa Siruma, Camarines Sur. 
Paul, Dhang, JP, Dhang, Rommel, Neng and Mikmik
Buwis buhay na experience and dinaanan namin papuntang Siruma. 
Mas bonus pang hampas ng mga halaman at malakas na buhos ng ulan. 

Dalawang batang BAYANI. 
Walang pinipiling edad ang pagsisilbi at pagbabahagi sa iba. 

We spent two days to prepare for the activity. 
We divided our group so that we could maximize our energies. Pero syempre, expect the unexpected. 
Dami agad changes, troubleshoot dito, troubleshoot jan. Biyahe dito, biyahe doon.
Pero lahat di sumusuko. Watching my KUYA's and ATE's work to make everything okay
is so moving. Sa isang newbie na katulad ko, nakaka-inspire yun.


Gawad Kalinga Volunteers work as if it's their first build, as if it's their first travel, as if lahat first.
Ibang klase ang energy level na galing sa puso, hindi nauubos, hindi nakakasawa.  

Tumulo ang mga pawis at luha habang tulong-tulong naming hinahanapan ng solusyon ang konting mga 
challenges na dumating.   

Isang mahapding kurot sa puso ang yakapin ang problema ng mga kababayan natin, pero lahat naman ay nasusulusyunan. Lahat naman ay nahahanapan ng paraan. 

Yun na nga, parang ang bilis ng araw at Day 0 na ng
 Save Siruma Build. 
We welcomed more or less 200 KBs and Volunteers from different Gawad Kalinga Villages of Cam.Sur.


Lahat hindi paawat na tumulong at magbahagi para sa iba. Katulad ng dinaan namin, hindi naging madali ang biyahe ng mga volunteers papuntang Siruma. 

Sinalubong sila ng malalaking alon, napakainit na araw at kumakalam na sikmura.
Mahirap, napakahirap, pero lahat ay nagsakripisyo upang matupad ang misyon na muling ibangon ang Siruma.

Sinalubong kaming lahat ng napakagandang tanawin. Indeed, the Philippines is the most beautiful place in the world.
(Taas bangko award ako sa statement na yan), pero totoo naman :)


San Miguel Bay


Pacific Ocean 

But more than this beautiful view is the reality that in the middle of this paradise, there are Filipino families who are in need of our help and assistance. 




Totoo, minsang mawawalan tayo ng gana na 
titigan ang mga ganitong pangyayari.
Sira-sirang bahay, komunidad na walang tubig at kuryente. 

Ngunit, patuloy na magbibigay ng pag-asa ang bawat isa saatin.

Napakagandang titigan na sa likod ng mga problema ng kahirapan, 
may mga taong handang magtaya ng sarili sa iba at sa bayan.

Sabi nga ng isang KB: "Tumutulong ako ngayon, kasi noon, ako naman yung tinulungan". Yun yun. 

Sino ang nagsabing hindi na uso ang BAYANIHAN?
Iba't ibang lugar ngunit iisang PUSO. Tunay kayong mga BAYANING PILIPINO.
Babangon ang Pilipinas. Ngayon na!



Lahat ng pawis na tumutulo ay galing saaming mga puso. - Patrick, GK Balatas

Lahat ay may mga ngiti sa mga labi, ang Siruma ay
napuno ng mga maliligaya at mapagmahal na puso, lahat sila'y tunay na BAYANING PILIPINO.

Hindi natapos ang lahat sa paggawa ng bahay.



Kasama ang mga bata, lahat ng mga GK Volunteers ay sumigaw:
Gawad Kalinga - Isang Milyong Bayani.
Isang Milyong Bayani - Walang Iwanan!

Ang boses ng mga batang ito ay parang gasolinang nagpaalab pa lalo sa apoy saaming mga puso. Lahat ay ginanahang magtrabaho. 

Habang nagpipinta, sinabi ko saaking sarili: I'm painting this house not for myself but for these kids. Sabi nila, kulang na ang oras, pero ano ba ang imposible kung tayong lahat ay magtutulungan?




Patuloy tayo sa paggawa ng mga komunidad ng pagkakaisa.

Gawad Kalinga is re-empowering and re-building the Philippines, one house, one community at a time.

Sa bawat pukpok ng pako, sa bawat halo ng simento, sa bawat hallow block na pasan, isang pamilyang Pilipino ang tinutulungan na makaahon sa kahirapan. 

The whole activity was ended by a boodle fight.
Ito ang pinaka-masarap na kainan na napuntahan ko. Para saakin mas mahalaga pa ito sa kainan sa isang magarang restaurant.
Dito ang mga kasama mo ay mga tunay na tao, dito ang mga kasama mo ay mga tunay na bayani.



Found a home in Gawad Kalinga. 
Sana'y patuloy tayong maging bukas sa mga panawagan ng Panginoon 
para magsilbi.

Sa kahit na anong paraan, sa kahit saang lugar, sa kahit na anong pangyayari, ang puso ng isang mapagmahal na Pilipino ang iiral.

Patuloy akong maniniwala na babangon ang Siruma, 
BABANGON ang Pilipinas.






Photos:
Dhang Tecson, Gawad Kalinga
Paul Tamisin Garcia, Gawad Kalinga
Leah Patrocinio-Dizon, GK - Bongliw





Thursday, March 1, 2012

Gender Week - Ateneo

Mom and I were invited to share our thoughts and feelings on LGBT. At first I was hesitant to give the letter of invitation to Mom because we never really discussed my gender when we're together. (Hindi na rin naman kasi siguro kailangan. Alam na ng buong mundo kung ano ang sexual preference kom imposibleng hindi yun alam ng nanay ko). Some facts that she knew: I had a partner (same sex) before and that I once had a girlfriend when I was in Ateneo high (she's now an instructor here at Ateneo). Since that this is my last second semester in school, I finally decided to give the letter to Mom. She said yes instantaneously. PAK! 




Mom and I before the talk.

The questions revolved around the joys and pains of being a bisexual, lovelife, etc. 


Mom on stage. OHA! Mom is also into training. Before I would usually watch her talk or she would join me as I give talk, now, join na kaming dalawa! Diba masaya?  :) On a serious note, I'm really touched and moved by the fact that Mom is openly sharing her thoughts and feelings on me being a bisexual. I never imagined nor dreamed that this day would come. I consider this one extra big bonus from God. I hope a lot of parents and kids were inspired. I guess we should do this often. I think Mom and I have good chemistry on stage. Isama ko kaya siya sa talks ko madalas? (Scary!) :))


After a week, I was once again invited to share my thoughts about being part of the LGBT community. The focused group discussion was dubbed: It's Beautiful Outside: Stories Outside the Closet. Mr. Adrian Remodo, Chairperson of Philosophy Department opened the afternoon with a lecture on storytelling. The FGD was participated by invited students and teachers of Ateneo. 





It's an awesome privilege to share my life to this group. Indeed, it's beautiful outside. We pray that more and more LGBT would share their stories outside the 
closet! ♥



Let's all paint the world with LOVE. 

Hugs,

TagaPinta (@raffymagno) 

Wednesday, February 29, 2012

Via Crucis sa Ateneo


Join us as we commemorate Jesus' journey to Calvary. Via Crucis sa Ateneo will be on March 2, 2012, Friday, 3:00PM. 

Sunday, April 17, 2011

My Lenten Prayer



Papa
Thank you for being my father. Thank you for the love, respect and acceptance. We may have the roughest journey but always keep in mind and heart that you're and will be forever part of our HOME.

Mama
Keep the faith - you're never alone, I'm here. Even at the expense of your own wellness - you'd persevere to give us our basic needs. That's why I'm very excited to graduate and to get a job - this will give me the opportunity to give you the best this world has to offer for a very hard working Mom.

Tetent, Joma and Kimmy
I know what happened triggered a lot of questions. But please keep in mind and heart that you are loved and nothing will change that.

God
Thanks for entrusting this problem to me and my family. We are thankful because little by little we are moving forward. It was a very difficult challenge, God. The tears may be painful but it was worth it! One request, God. Quoting a friend:
"Ibuhos mo ng lahat - Wag mo lang akong iwan."


Manoy Jess,

Hindi man ako biniyayaan ng isang kumpletong pamilya. Hindi man ako biniyayaan ng isang magandang bahay at magarang pamumuhay. Hindi man ako binigyan ng karapatan na pumili kung ano ang magiging pananaw saakin ng lipunan dahil saaking kasarian.

Lahat ng ito ay bale-wala dahil alam kong ako'y minamahal mo ng lubusan katulad ng pagmamahal ko sa'yo (siguro mahigit pa nga). Lahat ng ito ay hindi iniinda dahil alam kong pag-uwi ko ng bahay, wala man akong Tatay, sa Iyong pag-gabay ako'y hind i uhaw.

Salamat sa walang sawang pagbibigay ng mga problema.

Hindi ako magtatampo. Hindi rin ako magrereklamo.

Kasi alam kon
g sa mga oras na ito, Ako'y yakap mo. Alam kong sa mga oras na ito'y, akay-akay mo ako.

Alam kong sa mga oras na ito, dama mo ang hapdi at kirot sa
puso ko.

Medyo mahapdi pa, pero alam kong darating ang araw na lahat ng ito'y maghihilom.