Isang nakakabinging panawagan ang pumukaw saaming lahat. Dala-dala ang malalaking bag, pusong busog sa pagmamahal, sariling handang magtaya ng kahit na ano para sa iba at isang boteng tubig, kami ay tumungo sa Siruma, Camarines Sur.
|
Paul, Dhang, JP, Dhang, Rommel, Neng and Mikmik |
Buwis buhay na experience and dinaanan namin papuntang Siruma.
Mas bonus pang hampas ng mga halaman at malakas na buhos ng ulan.
Dalawang batang BAYANI.
Walang pinipiling edad ang pagsisilbi at pagbabahagi sa iba.
We spent two days to prepare for the activity.
We divided our group so that we could maximize our energies. Pero syempre, expect the unexpected.
Dami agad changes, troubleshoot dito, troubleshoot jan. Biyahe dito, biyahe doon.
Pero lahat di sumusuko. Watching my KUYA's and ATE's work to make everything okay
is so moving. Sa isang newbie na katulad ko, nakaka-inspire yun.
Gawad Kalinga Volunteers work as if it's their first build, as if it's their first travel, as if lahat first.
Ibang klase ang energy level na galing sa puso, hindi nauubos, hindi nakakasawa.
Tumulo ang mga pawis at luha habang tulong-tulong naming hinahanapan ng solusyon ang konting mga
challenges na dumating.
Isang mahapding kurot sa puso ang yakapin ang problema ng mga kababayan natin, pero lahat naman ay nasusulusyunan. Lahat naman ay nahahanapan ng paraan.
Yun na nga, parang ang bilis ng araw at Day 0 na ng
Save Siruma Build.
We welcomed more or less 200 KBs and Volunteers from different Gawad Kalinga Villages of Cam.Sur.
Lahat hindi paawat na tumulong at magbahagi para sa iba. Katulad ng dinaan namin, hindi naging madali ang biyahe ng mga volunteers papuntang Siruma.
Sinalubong sila ng malalaking alon, napakainit na araw at kumakalam na sikmura.
Mahirap, napakahirap, pero lahat ay nagsakripisyo upang matupad ang misyon na muling ibangon ang Siruma.
Sinalubong kaming lahat ng napakagandang tanawin. Indeed, the Philippines is the most beautiful place in the world.
(Taas bangko award ako sa statement na yan), pero totoo naman :)
San Miguel Bay
Pacific Ocean
But more than this beautiful view is the reality that in the middle of this paradise, there are Filipino families who are in need of our help and assistance.
Totoo, minsang mawawalan tayo ng gana na
titigan ang mga ganitong pangyayari.
Sira-sirang bahay, komunidad na walang tubig at kuryente.
Ngunit, patuloy na magbibigay ng pag-asa ang bawat isa saatin.
Napakagandang titigan na sa likod ng mga problema ng kahirapan,
may mga taong handang magtaya ng sarili sa iba at sa bayan.
Sabi nga ng isang KB: "Tumutulong ako ngayon, kasi noon, ako naman yung tinulungan". Yun yun.
|
Sino ang nagsabing hindi na uso ang BAYANIHAN? |
|
Iba't ibang lugar ngunit iisang PUSO. Tunay kayong mga BAYANING PILIPINO. |
|
Babangon ang Pilipinas. Ngayon na! |
Lahat ng pawis na tumutulo ay galing saaming mga puso. - Patrick, GK Balatas
Lahat ay may mga ngiti sa mga labi, ang Siruma ay
napuno ng mga maliligaya at mapagmahal na puso, lahat sila'y tunay na BAYANING PILIPINO.
Hindi natapos ang lahat sa paggawa ng bahay.
Kasama ang mga bata, lahat ng mga GK Volunteers ay sumigaw:
Gawad Kalinga - Isang Milyong Bayani.
Isang Milyong Bayani - Walang Iwanan!
Ang boses ng mga batang ito ay parang gasolinang nagpaalab pa lalo sa apoy saaming mga puso. Lahat ay ginanahang magtrabaho.
Habang nagpipinta, sinabi ko saaking sarili: I'm painting this house not for myself but for these kids. Sabi nila, kulang na ang oras, pero ano ba ang imposible kung tayong lahat ay magtutulungan?
Patuloy tayo sa paggawa ng mga komunidad ng pagkakaisa.
Gawad Kalinga is re-empowering and re-building the Philippines, one house, one community at a time.
Sa bawat pukpok ng pako, sa bawat halo ng simento, sa bawat hallow block na pasan, isang pamilyang Pilipino ang tinutulungan na makaahon sa kahirapan.
The whole activity was ended by a boodle fight.
Ito ang pinaka-masarap na kainan na napuntahan ko. Para saakin mas mahalaga pa ito sa kainan sa isang magarang restaurant.
Dito ang mga kasama mo ay mga tunay na tao, dito ang mga kasama mo ay mga tunay na bayani.
Found a home in Gawad Kalinga.
Sana'y patuloy tayong maging bukas sa mga panawagan ng Panginoon
para magsilbi.
Sa kahit na anong paraan, sa kahit saang lugar, sa kahit na anong pangyayari, ang puso ng isang mapagmahal na Pilipino ang iiral.
Patuloy akong maniniwala na babangon ang Siruma,
BABANGON ang Pilipinas.
Photos:
Dhang Tecson, Gawad Kalinga
Paul Tamisin Garcia, Gawad Kalinga
Leah Patrocinio-Dizon, GK - Bongliw