CLICK HERE FOR FREE BLOGGER TEMPLATES, LINK BUTTONS AND MORE! »

Wednesday, June 5, 2013

Nababagabag. Natatakot.


Panginoon, kung saan man, ano man, at sino man. Hangad ko ang iyong pag-gabay. Bukas na bukas na ang puso at ang isip para magpatuloy. Pasensya ka, nababagabag, nanghihina pa rin ang loob, nagtataka pa rin kung handa na nga bang magtaya. Syemps, alam mo naman kung paano tayo magmahal: buhos, ubos at lubos.


Tanong ko pa rin kung handa na nga ba ako ulit na sumubok at magmahal. Panginoon, dalawang taon na rin yun. Naka move on na ang lahat ng tao, marami na ring nangyari, at nagparamdam (hahaha, taas bangko), at sa palagay ko, ready na rin naman ang puso. At...naghilom na rin ang sugat, wala na ring band aid para ikubli ang mga ito. Peklat na lang, pero masayang peklat naman. 
Ngunit alam kong sa huli ng lahat ng ito ay isang malaking biyaya. Patuloy kong yayakapin ang mga pagdududa, pighati at paghihirap na nararamdaman sa gitna ng mga maliligayang sandaling kapiling siya. Ang gulo ko, Panginoon, syet. Sorry. Haha. Hirap, napaka-hirap maging solid sa mga panahong 'to. Btw, salamat sa lahat lahat. Nakakatuwa ang mga surpresa kapag nagmamahal! Ikaw na! 




0 pintura:

Post a Comment