Nanood kami ng pinsan ko ng
Modern Dance Competition sa school ng narecieve namin yung text na nag crash
daw ang plane ni Sec. Jesse. Hindi ako naniniwala at first pero noong tinawagan
na ako ng isang news group, doon na nagimbal ang mundo ko. Ang bilis ng mga
pangyayari, nakita ko ang aking sarili na nasa bahay na nila sa Dayangdang,
hanggang ngayon, nagsasalita sainyong unahan.
Di ko matapos-tapos ang
speech na ito, sinimulan ko noong nasa biyahe ako papuntang Manila, habang nasa
Ateneo, habang papunta ng Malacanan, habang pauwi ng Naga. Actually po, hindi
ko alam kung paano sisimulan at tatapusin. Sabi nga ni VM Bordado sa kanyang
facebook status (okay na po siguro ito para hindi ako masabing nag plagiarize), kulang siguro ang 5 mins para mapasalamatan si Sec. Jesse.
Sabi daw saakin, gawin ko
daw na light ang i-sshare ko. I-ttry ko po.
Hindi siya EPAL.
Hindi katulad noon na puro
matatandang pulitiko lang ang makikita natin o mga epal na tao na namimigay ng
bigas, bag, tsinelas at ano pa. Pinatunayan ni Sec. Jesse na ang pagtulong sa
kapwa ay di dapat ilagay sa tarpaulin, tsinelas o plastic ng bigas. Hindi
lamang hanggang tarpaulin ang pamumuno ni Sec. Jesse. Makikita natin siyang
kinakalkal ang drainage kapag baha, nagbubuhat ng timba kapag may sunog.
COOL ang pagiging leader.
Sino ba naman ang kabataang
maeenganyo na magtrabaho sa bayan kung ang snack ninyo ay palagi na lang maruya
(baduya) o maliit na siopao? Ang tipid naman ni Sir, palaging comment namin,
pero hindi ito nagging sagabal para ipagpatuloy naming ang pagsisilbi sa Naga. Uuwi
man kaming gutom, palagi naman siyang may pabaon. Ngiti na napaka sweet at
isang nakakataba sa pusong Thank you! Oks na oks na yon.
Ibang klase siyang magtaya at mag-aruga.
Extraordinaryo niyang minahal ang Naga at Pilipinas. Ang bongga ng buhay kasi
nakasama natin si Sec. Jesse.
Panalangin ko nga, sana
maging katulad din ako ni Sec. Jesse. Alam ko magiging mahirap yun, una, kasi
mahirap ng makahanap ng isang Atty. Leni at pangalawa mukhang malabo pa
na magkaroon ako ng legal na asawa (kasi hindi pa pwede sa batas). Seryoso,
noon, pinagarap kong maging mabuting Pilipino, ngayon lang mas nagging concrete
ang aking pangarap, ang gusto ko ay maging isang Jesse Robredo. Sana dumating
ang araw na mayayakap ko ng buong buo ang tsinelas leadership, matagal na rin
na panahon ang ginugol ko sa iba’t ibangkumunidad pero hindi nito matutumbasan
ang ginawa ni Sec. Jesse. Kilala niya ang pinaka simpleng tao sa Naga,
tinuturing niya itong kapantay ng lahat – hindi mababa kasi isa lang siyang
fruit vendor sa plaza. Alam niya na lahat ng tao ay may pantay-pantay na
karapatan.
Habang nasa labas nga ako, tinanong ko ang aking sarili, kalian kaya mangyayari na kahit isang
dignitary o mayaman sa Pilipinas, pulitiko at may kaya ay matututong maghintay,
pumila ng matagal kasabay ng mga ordinaryong tao. At saaking sarili, sinabi ko,
malayo pa rin talaga ang ibang pulitiko kay Sec. Jesse. Siguro, kung hindi lang
si Jesse ang andiyan sa kabaong, makikita natin siyang nakapila at naghihintay sa likod. Ganoon
niya kami pinalaki ditto sa Naga, wala sa rangya ng pusisyon o titulo – alam
niya ang bawat pintig ng puso ng mga mamayan, kaya siya nirerespeto at
naiintindihan ng mga tao.
Atty. Leni, ibang klase ang
pinakita ninyong katatagan at katibayan ng loob. Alam ko pong kinukulit kayo ng
marami na tumakbo o pumasok sa pulitika, pero kung ano man ang maging desisyon
mo, tandaan mo po na suportado ka naming. Naging mabuti kang halimbawa ng
katatagan, kababang loob at walang hanggang pagmamahal.
Aika, Tricia and Jilian.
Thank you very much for being so generous. Shinare ninyo si Sec. Jess saaming
lahat. Ang swerte ninyo kasi ama ninyo si Sec. Jesse. Marami sa mga kabataan
ngayon ang pinangarap na maging tatay nila si Sec. Jesse, hindi lang dahil sa
pogi si Sec, dahil siya ay tatay na alam kung paano magpahalaga sa pamilya,
hindi siya nagsawa sa paggabay at hindi nauubos ang kanyang pagmamahal.
Alam ng marami na nagging
tatay saamin si Sec. Jesse. Sabi ko nga, Sec. Jesse is among the few who
believed that we can do positive changes for our country. Naniwala siya sa mga
kabataan, nagtiwala siya ng buong buo saamin. Napakaraming pulitiko na ang naka
trabaho ko, pero konti lang sila na naniwala ng buong-buo, hindi nagpapababa
sakanya ang mag text sa isang ordinaryong tao, hindi rin siya napapagod mag
reply saamin, at kung nakukulitan na siya, tatawag na lang yan at mageexplain. Kahit
nagsawa na ako sa maruya at maliit na siopao na palagi niyang pinapabili kapag
may meeting, okay lang, naiintindihan naming yun kasi simple rin siyang tao.
Naniniwala akong hindi
nasayang ang buhay ni Sec. Jesse sa mundo. Palaging sinasabi ng mga tao, bakit
yung mabubuting tao ang nauuna, dapat yung mga walang kwenta, trapo at epal.
Sana si toot na lang daw ang nauna. How I wish ganito ang buhay no? Ang
pagkawala ni Sec. Jesse ay magiging hamon sa lahat sa atin na maging mabubuting
tao rin. Napaka unfair naman siguro para kay Sec. Jesse kung sakanya lang iaasa
ang pangarap ng Pinas na yakapin ng buo ang good governance. Lahat tayo, may
responsibilidad saating bansa. Kung nasaan man tayo ngayon, kung ano man tayo.
Presidente, Cabinet Member, Executive Assistant, Chief Justice, Fishball
Vendor, Youth Leader, Pari, Madre, Janitor, Principal o Estudyante – kailangan
nating magsipag at kailangan nating ibigay ang best natin. Tandaan: hindi rin
po natin kailangan ng confirmation para mas maging mabuting tao. Sapat na po
ang pagiging Pilipino natin para maging mabuting kawani ng gobyerno, anak,
asawa, kapatid at kaibigan.
Kung isasamarize ko ang
lahat = Si Sec. Jesse ay nagging mabuting Pilipino.
Sec. Jesse – dahil po sainyo may
mga kabataan na nangagrap na baguhin ang mundo, may mga kabataan na baliw na
baliw na iahon ang Pilipinas sa kahirapan, may mga kabataan na naniniwala na
may pag-asa ang Pilipinas. Salamat po sa lahat, ipagpapatuloy po namin ang
laban na nasimulan. Mahal na mahal na mahal na mahal ka po naming, Sec.
Pahingalo ka na po ta kami naman, Sec! Dios mabalos!
Basilica Minore of Our Lady of Penafrancia
August 27, 2012
Photos: Different supporters, friends, relatives of Sec. Jesse. Salamat po!
1 pintura:
Ayos ini, Raffy! :D
Post a Comment