Biglaan.
Kararating ko lang galing Korea ng bigla kong naisip na dumaan sa UP.
Hindi ko alam kung bakit, di ko alam kung para saan, pero parang hinihila ako ng tadhana
na pumunta sa lugar kung saan ako ay natutong magmahal at masaktan.
Naglakad-lakad, nagkwentuhan, para bang tinatapon ang oras sa parang.
Naghihintay, nagaabang, hindi alam ang pupuntahan.
Umupo, tumayo. Nakita ang artistang o, kay ganda po!
Nagpatuloy sa paglalakad ang dalawang batang aligaga.
Makukulit na paa nakarating sa isang lumang sinehan,
Oo, kami lang.
O kay saya namang balik-balikan, ang paaralang
nagturo saakin kung paano magmahal at masaktan..