
Sa hindi ko malamang pagkakataon,

biglang dumaan sa isip ko ang mga tanong na:
Paano kaya kung 'di kita pinakawalan?
Paano kaya kung pinagpatuloy nalang natin?

Sa hindi ko inaasahang yugto,
biglaan ding sinagot yung mga tanong ko.
Kasi raw pareho na kayong nasasaktan.
Kasi raw pareho na kayong nahihirapan.
Kasi raw 'di pa ito yung tamang panahon.
Walong buwan na rin ang nakalipas.
Maraming tao na rin ang nakasalamuha't
naging kaibigan
Tinangka na ring umibig at mabuhay muli
Ngunit dumarating at dumarating pa rin
yung isang araw sa isang buwan
na kung saan tumitigil ang lahat.
Yung araw na para bang wala kang ibang gagawin
kundi yung isipin ka lang, buong maghapon,
buong magdamag.

Haay. Buhay. Ang hirap palang bumangon.
Ano na nga bang araw ngayon? Ah. 24.
Tingnan mo? Naaalala pa rin kita, araw-araw.
Naaalala pa rin kita,
kahit hindi natin monthsary.
pusongligaw
1 pintura:
naalala ka rin nya, huwag kang mangamba hindi ka gagamba!
Post a Comment